Pages

Saturday, May 18, 2013

Antaytold


Hayaan mo na maglaro ang mga bata sa arawan, datapwa't guhit ang pawis at dungis sa mukha, 'nahan sa ligaya ang tinig at ngiti. Paglaki'y tangan ang pasasalamat 'pagkat 'nayaang mabuhay nang may layang ibig.

Wednesday, May 1, 2013

Wala


Lilisanin ko na muna 'tong mundo. 
Maglalakbay sa isipan ng kung sinu-sino. 
Magulo. Walang kahulugan ang mga salita't di
maunawaan ang sinasabi
bigkas sa lenggwaheng tanging iisa lamang
ang 
nakaiintindi
kundi ang sarili.
Maging ang kapatid ay di
mapakinggan ang ibig
May mga tunog ang awitin
ngunit 
walang gustong iparating
walang 
ritmo at sukat
sapagka't
walang sumulat
may tugma ang bawat banat
ngunit
di naman 
madalumat
sapagka't
walang panulat.
Ang lahat ay sa isipa't
Tumatakbo
parang segundo
at bawat titik ay
umaagos
parang minuto
sa kalungkutan
ng oras
ngunit nananatiling
di maunawaan
sapagka't mga mata'y
di maimulat
Sa katotohanan
salat.